Patuloy paring makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang malaking bahagi ng Luzon kabilang na dito ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, and Bicol region dahil parin sa shear line at nararanasang Low Pressure Area (LPA).
Magiging makulimlim din ang kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, huling namataas ang LPA sa layong 260 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Davao City na nagdudulot ng pag-ulan sa maraming lugar sa buong bansa pero maliit ang tsansa nitong maging bagyo.
Sa ngayon, itinaas na ng PAGASA ang gale warning signal sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, hilagang at kanlurang baybayin ng Ilocos Norte, Isabela, Aurora at Ilocos Sur.
Dahil dito, ipinagbabawal muna ng pagasa na pumalaot ang mga kababayan nating mangingisda at mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga nabanggit na lalawigan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:48 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:08 ng hapon. — sa panulat ni Angelica Doctolero