Climate change ang pangunahing nakikitang sanhi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t patindi na ng patindi ang mga nangyayaring pagbaha sa tuwing may sasalantang bagyo sa bansa.
Ito ang tugon ni pangulo nang matalakay sa isinagawang pagpupulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan nang bisitahin nito ang cagayan na biktima ng malawakang pagbaha matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.
Ayon sa pangulo, aminado siyang may naging ambag ang illegal logging at illegal minning sa pagkasira ng kalikasan subalit panahon na ang nagdidikta sa bigat ng pinsala tuwing may dumarating na kalamidad.
Kasunod nito, binigyang diin ng pangulo na kailangan na ring i-regulate ang minning operations lalo na sa mga lalawigan upang maibsan ang epektong dulot dito ng climate change.