Naitala ang malawakang pinsala sa Carribean Islands matapos ito bayuhin ng hurricane Irma.
Ayon sa mga awtoridad, hindi pa rin sila nakakakuha ng impormasyon sa Barbuda Island na unang tinamaan ng category 5 na hurricane.
Ilang mga gusali rin ang binaha at winasak sa mga isla ng St. Martin at St. Barts.
Ang hurricane Irma ay itinuturing na pinakamalakas na bagyong nabuo sa Atlantic Ocean kung saan inaasahang tutumbukin din nito ang Florida USA, Puerto Rica, British at US Virgin Islands.
Taglay ng hurricane irma ang hanging umaabot 295 kilometers per hour.
AR / DWIZ 882