Libo-libong residente ang dumagsa at nakiisa sa malawakang rally sa Isfahan province sa central Iran para ipanawagan ang pagbuhay sa natutuyong ilog sa kanilang bansa.
Sa mga larawan at video na kumalat sa social media, kabilang sa mga sumama sa protesta ang maraming magsasaka at residente malapit sa
Zayandeh Rud River na dumadaan sa Khaju Bridge sa Isfahan.
Pinaniniwalaan na daang libong magsasaka at mamamayan ang apektado ng pagkatuyo ng ilog na nagdudulot ng kakulangan sa suplay ng tubig sa maraming lugar ngunit hindi umano ito nabibigyang-pansin ng pamahalaan ng Iran.