Pinaghahandaan na ng BAYAN ang malawakang pambansang kilos protesta sa pagdaraos ng APEC summit sa Metro Manila sa Nobyembre.
Ayon sa BAYAN, bubuhayin nila sa mga pagkilos ang People’s Campaign Against Globalization Imperialist.
Sinabi ng BAYAN na maniningil ang taumbayan sa mga bansang lalahok sa nasabing APEC.
Iginiit ng BAYAN na sa nakalipas na 19 na taon ay lalo pang naghirap ang bansa dahil sa neo liberal policies tulad ng privatization at deregulation.
Kasabay nito, muling hinamon ng BAYAN ang presidentiables na maglatag ng mga alternatibong programa para sa ekonomiya ng bansa.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)