Binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon sa Gitnang Silangan kaugnay sa posibleng malawakang tanggalan sa trabaho ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Sa harap na rin ito ng pagsadsad ng presyo ng langis sa World Market gayundin ang umiinit na sitwasyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ayuda sa mga OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong oportunidad tulad ng trabaho at kabuhayan sa bansa.
Sa kabila nito, kumpiyansa ang Pilipinas na magpapatuloy ang trabaho at kontrata ng mga OFW sa Gitnang Silangan kahit pa nabawasan ang mga Pinoy bunsod ng pagpapatupad ng Saudization.
Pangunahing pinagkukunan ng langis ng mundo ang Gitnang Silangan kung saan, kabilang dito ang Pilipinas.
By Jaymark Dagala