Aarangkada na ang ikinasang malawakang tigil pasada ng iba’t ibang grupo ng mga tsuper at operators ng jeepney ngayong araw.
Ito ay upang iprotesta ang nakaambang jeepney phaseout sa ilalim ng public utility vehicle o puv modernization program na ipatutupad ng pamahalaan.
Ayon kay acto o alliance of concerned transport organizations president efren de luna, meron silang programa sa quezon city memorial circle sa tapat ng cityhall kasabay ng pagsisimula ng nationwide transport strike mamayang 5:00 a.m. ng umaga.
Sinabi ni De Luna, inaasahang mapaparalisa ng ACTO at iba pang mga transport group ang nasa 90 hanggang 95% ng mga jeep sa buong bansa.
Muli namang iginiit ni De luna na hindi nila tinutulan ang modernisasyon kung magkakaroon lamang ng makatwirang patakaran hinggil dito lalu na sa usapin ng pagtatayo ng kooperatiba at pag-phase out sa mga jeep.
Kanila rin aniyang ikinasasama ng loob ang plano ng Department of Transportation at LTFRB na ipa-surrender ang kani-kanilang mga prangkisa nang walang katiyakan kung mapapalitan o maibabalik ito