Kasado na ang malawakan at malakihang transport holiday ng mga transport group sa buong bansa sa darating na Lunes, Pebrero 27.
Kabilang sa mga makikiisa sa tigil-pasada ang PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide, Stop and Go Coalition at NJPOC o No To Jeepney Phase-out Coalition.
Ayon kay Goerge San Mateo, National President ng PISTON, layunin ng pagkilos ng mahigit dalawang daang libong (200,000) miyembro ng transport sector na ipakita ang kanilang pagkondena sa jeepney phase-out at jeepney corporation plan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Iminungkahi ni San Mateo na tulungan muna ang mga operator na tatamaan ng phase-out ng jeep na labing limang (15) taong gulang na ngayong taon.
Dahil dito, nanawagan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na manghimasok sa usaping ito upang maayudahan ang libu-libong tsuper na magugutom ang pamilya dahil mawawalan sila ng kita sa araw-araw bunga ng phase-out.
By Jelbert Perdez