Tuloy simula ngayong araw na ito ang 6 na araw na pagputol sa supply ng tubig sa mga customer ng Maynilad sa malaking bahagi ng Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite.
Mamayang ala-1:00 ng hapon magsisimula ang unang bugso ng water interruption hanggang alas-10:00 ng gabi sa Huwebes, August 13.
May second part pa ang nasabing putol supply mula ala-1:00 ng hapon ng August 17 hanggang alas-3:00 ng hapon ng August 18.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Caloocan, Maynila, Pasay, Parañaque, Makati, Muntinlupa, Las Piñas, Cavite City, Bacoor City, Imus City at mga bayan ng Kawit, Rosario at Noveleta sa Cavite.
Sinabi ni Maynilad Spokesperson Grace Laxa na ang water interruption ay dahil sa realignment ng kanilang main pipe na apektado ng isang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Laxa, magkakaroon ng window time ang water interruption sa August 14 hanggang 16 para makapag-ipon ng tubig ang mga residente sa ikalawang bugso ng water interruption.
Handa naman ang Maynilad na mag-rasyon ng tubig sa mga lugar na maaapektuhan ng water interruption nito simula ngayong araw na ito.
Ayon kay Laxa, 35 water tanker ang kanilang inihahanda para magdala ng tubig sa mga apektadong lugar mula ngayong araw hanggang sa August 13 at August 17 hanggang August 18.
By Judith Larino