Nagpahayag ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na kahandaan na makipagtulungan upang linisin ang isla ng Boracay.
Matatandaang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang naturang tourist destination kung mabibigo pa ring solusyon ang problema nito sa pagtatapon ng dumi.
Ayon kay Malay Mayor Ciceron Cawaling, nakipag-ugnayan na sila kay Urban Planner Architect Felino Palafox Jr. para ilatag ang master plan for tourism sa isla.
Binabantayan na rin nito ang mga business establishment sa isla sa pagsunod sa regulasyon na itinatakda ng environmental laws.
—-