Handa si Mayor Ceciron Cawaling ng Malay, Aklan na harapin ang mga posibleng kaso.
Sa gitna na rin ito nang nakatakdang pag imbestiga ng dilg sa alokasyong isang bilyong Pisong environmental fees na kinolekta sa nakalipas na sampung taon mula sa mga turistang bumibisita sa Boracay.
Iginigiit ng DILG na ang environmental fees ay dapat ginagamit sa paglilinis ng isla.
Sinabi ni Cawaling na inihahanda na niya ang mga dokumento para sa rehabilitasyon ng isla at ayaw aniya niyang makasuhan dahil gusto niyang malinis ang kaniyang pangalan bago siya umalis sa pulitika.
Una nang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon isara ng anim na buwan ang Boracay simula April 26 para i rehabilitate ito.