Handa si Malay, Aklan Mayor Ciceron Cawaling na humarap sa imbestigasyon at posibleng kaso kaugnay sa sewerage problems na bumabalot sa isla ng Boracay.
Ayon kay Cawaling, dapat niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa anumang kaso kahit hindi naman niya kasalanan o ng local government ang kinakaharap na problema sa sewerage system ng Boracay.
Sa kabila nito, suportado ni Cawaling ang hakbang ng Department of Environment and Natural Resources na alisin ang ilang establisyimento sa “No Build Zone” ng isla.
Magugunitang inihayag ni D.I.L.G. Officer-in-Charge Eduardo Año na hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa sitwasyon sa Boracay upang mabatid kung anong mga kaso ang maaaring isama laban sa mga lokal na opisyal.
RPE