Kumpiyansa si Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista, na tataas ang bilang ng mga turista sa isla ng boracay bago matapos ang taong 2024.
Sa panayam ng DWIZ, inamin ng Alkalde na kumpara sa nakaraang taon, mababa ang naitalang bumisita sa Boracay na umabot lamang ng 2,032,000.
Aniya, kakaunti na lang ang mga namamasyal sa naturang lugar kumpara sa mga nakalipas na panahon na grupo-grupo pa ang mga nagpupunta.
Dagdag pa ni Mayor Bautista, na maraming negosyo sa kilalang lugar ang naapektuhan partikular na ang mga Chinese market.