Hindi hahadlangan ng Malakaniyang ang sinuman na magsagawa ng kilos protesta simula ngayong araw hanggang sa Linggo, Pebrero 25.
Ito’y bilang bahagi ng pakikiisa ng sambayanan sa paggunita sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nuong 1986.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bilang isang demokratikong bansa, malaya ang sinuman na maglabas o maghayag ng kanilang mga saloobin maging ito man ay pabor o kontra sa mga umiiral na polisiya ng pamahalaan.
Sa katunayan, sinabi ni Roque na kaya idineklara ang araw ng EDSA bilang holiday ay para bigyan ng pagkakataon ang lahat na gawin at sabihin ang mga ninanais nila sa kundisyong gawing mapayapa at maayos ang mga ikinakasang pagkilos.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio