Magpapatupad ng fever screening o temperature screening ang Malaysia para sa mga traveller na dumarating sa kanilang bansa partikular na ang mga galing sa China.
Ayon sa mga otoridad, mahigpit nilang babantayan ang lahat ng international entry points para sa pagpasok ng mga manlalakbay.
Sa pahayag ng Malaysia Health Ministry, kanilang pinaghahandaan ang posibleng pagtaas ng kaso ng covid-19 matapos ang muling pagsirit ng virus kasabay ng pagluluwag ng restriksiyon sa China partikular na sa Beijing.
Nabatid na ang mga na-diagnose na may lagnat o sintomas ng nakahahawang sakit, ay kanilang ire-refer sa mga health authorities para sa muling isailalim sa pagsusuri.
Magsasagawa rin sila ng sewage water bilang supplementary covid-19 environmental surveillance, alinsunod sa transition ng endemic phase sa tulong ng mga tauhan ng klia health office para matukoy ang mga bansang mapanganib.