Idineklara ng Malaysian government ang nationwide lockdown sa kanilang bansa dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin, ang tinutukoy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 ay bunsod ng ikatlong wave nito.
Dagdag pa ni yassin na kanilang pinangangambahang magdulot ito ng national crisis.
Dahil dito, ayon kay Yassin sa pag-iral ng nationwide lockdown, ipagbabawal ang lahat ng inter-state at inter-district travel at lalo na aniya ang pagsasagawa ng social gatherings.
Mababatid na sa huling datos na health ministry ng Malaysia, nasa 3,807 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naital dahilan para lumobo ang bilang nito sa 444,484.