Nakatakdang kupkupin ng Malaysia ang 3,000 Syrian refugees sa susunod na 3 taon.
Sa kaniyang pagharap sa United Nations General Assembly, sinabi ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na nais nilang makatulong sa refugee crisis lalo na sa Europe na siyang destinasyon ng refugees mula Syria.
Ayon pa kay Najib, responsibilidad ng Muslim countries na protektahan ang mga Syrian sa pamamagitan nang paglikas at makatakas sa kaguluhan sa naturang bansa.
Kailangan aniya ng bagong international solution para sa migration crisis.
By Judith Larino