Tinutugis pa rin ng militar ang isang ISIS commander na kasama sa pagkubkob ng ISIS inspired Maute terror group sa Marawi City nuong Mayo.
Ayon kay AFP Spokesman Maj/Gen. Restituto Padilla, isang Amin Baco alyas Abu Jihad ang kanilang hinahanap na kilalang eksperto sa paggawa ng bomba mula sa Malaysia.
Bagama’t napatay na ang mga lider terorista na sina Omar Maute, Isnilon Hapilon at Dr. Mahmud ahmad, mas mapanganib ayon kay Padilla si alyas Abu Jihad dahil sa miyembro aniya ito ng Jemaah Islamiyah na sinanay sa paggawa ng bomba.
Kasama aniya si Baco sa mga minomonitor ng AFP na mga dayuhang terorista na kasamang lumusob sa lungsod kaya’t nais makatiyak ng militar na wala, ni isa sa mga terorista ang nananatili sa lungsod.
Aileen Taliping