Napatay ng Malaysian coast guard ang isang mangingisda Vietnamese matapos na magkainitan sa South China Sea.
Ayon kay Malaysian Coast Guard Chief Zubil Mat Som, pumasok ang dalawang Vietnamese fishing boat sa katubigang sakop ng Malaysia sa hilagang silangan ng estado ng kelantan.
Aniya, nagpaputok ng warning shot ang Malaysian coast guard matapos na banggain ng Vietnamese vessel ang kanilang barko.
Binato pa umano ng mga vietnamese ng bote ang barko kaya naman pinaputukan na nila ito bilang self-defense.
Sinabi ng opisyal na nalulungkot din sila sa pangyayari ngunit ang ginawa lang aniya ng kanyang mga tauhan para protektahan ang kanilang buhay at soberanya ng kanilang bansa.
Ang nalalabing 20 Vietnamese crew member na sakay ng bangka ay nasa kustodiya na ng Malaysian authorities.
Malaking bahagi ng South China Sea ang pinagaagawan ng ilang bansa tulad ng Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan, Vietnam at China.