Binitay na kahapon ang Malaysian na nagpasok ng tatlong kutsarang heroin noong 2009.
Kinilala ng mga otoridad ang binitay na si Nagaentran Dharmalingam na 10 taon nang nakabilanggo at nililitis.
Ayon sa Court of Appeals ng Singapore, napatunayang nagkasala si Dharmalingam at hindi kapani-paniwala ang mga naging depensa nito upang mapagkalooban ng kalayaan.
Unang ikinatwiran ng akusado na ipinadala lang ng iba sa kanya nang sapilitan ang droga pero sa huli, sinabi nitong gusto lang niyang kumita.
Habang nagtatagal ang paglilitis, ikinatwiran ng kanyang mga abogado na mababa ang antas na pag-iisip nito sa pagkakaroon lamang ng 69 na intelligence quotient kaya hindi nito alam ang kanyang ginagawa.
Gayunman, hindi ito tinanggap ng hukuman sa dahilang alam ng akusado ang kanyang ginagawa na masama o mabuti kaya hindi naging hadlang ang pagturing dito na guilty sa kasong drug trafficking ng 49 grams ng heroin.