Pinayuhan ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad ang Pilipinas na umunlad sa sarili nitong kakayanan.
Inihayag ito ni Mahathir matapos balaan ang Pilipinas laban sa agresibong pangungutang para mapondohan ang pitumput limang (75) malalaking proyekto na inaasahang makapagpapa angat sa ekonomiya ng bansa.
Binigyang diin ni Mahathir na kalimitang nalalagay sa impluwensya at direksyon ng bansang nagpautang ang isang bansa kung wala itong kapabilidad na magbayad ng utang.
Binigyang diin ni Mahathir na mas maganda pa rin ang unti-onting pag-unlad nang naaayon sa sariling kakayanan.
Financial analyst hinikayat ang gobyerno na matuto sa leksyon mula sa Malaysia
Hinikayat ng isang financial analyst ang pamahalaan na matuto ng leksyon mula sa Malaysia pagdating sa pangungutang para pondohan ang isang proyekto.
Ginawa ito ni Milken Institute Asia Fellow Curtin Chin sa harap ng mga babala na baka mahulog ang Pilipinas sa debt trap ng China.
Inihalimbawa ni Milken Institute Asia Fellow Curtin Chin ang pagkansela ng malaysia sa kanilang east coast rail link, ang sentro ng belt and road initiative ng China sa Malaysia dahil kulang sila sa kapabilidad na magbayad ng uutanging pondo sa China.
Sa halip, pinayuhan ni Chin ang Duterte administration na muling repasuhin ang kanilang mga proyekto at sagutin ang mga tanong katulad ng kung kelangan talaga ito ng ating bansa kung kaya itong pondohan at kung kaya nating bayaran sakaling i-uutang ito sa ibang bansa.
Mas maganda rin aniya kung hihingi ng payo o tulong ang pamahalaan sa mga eksperto ng World Bank, International Monetary Fund at kahit sa Asian Development Bank.