Pormal nang nagbitiw sa pwesto si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.
Ito’y matapos niyang ipinadala kay Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah ang kaniyang resignation letter bilang prime minister ng Malaysia.
Naging ugat ng pagbibitiw ni Mohamad nang simulang maglabasan ang mga ulat hinggil sa nilulutong “self-coup” ng mga tagasuporta ni Mahathir.
Plano kasi umanong patalsikin ng mga ito ang kaniyang successor na si Anwar Ibrahim na kaniya ring kapartido sa Pakatan Harapan.