Tinanggap na ni outgoing Malaysian Prime Minister Najib Razak ng pagkatalo sa katatapos na national election sa bansa.
Sinabi ni Najib na tinatanggap nila ng kanyang mga kasamahan sa koalisyon ang hatol ng taumbayan.
Kinikilala aniya at iginagalang nila ang prinsipyo ng demokrasyang umiiral sa bansa.
Magugunitang tinalo ni Mahathir Mohammad ng oposisyon si Najib na ang pagkatalo ay sinasabing pagpapakita ng protesta ng mga mamamayan dahil sa isyung kinasasangkutan nito.