Naniniwala ang hepe ng Malaysian Police na kasalukuyan nang nasa North Korea ang apat (4) na suspek sa pagpatay sa half-brother ni NoKor leader Kim Jong Un.
Dahil dito, nanawagan sa NoKor si Khalid Abu Bakar na isuko sa kanila ang mga suspek na kabilang sa pitong (7) North Koreans na hinihinalang sangkot sa pagpaslang kay Kim Jong Nam.
Pinaniniwalaan na isa sa mga suspek ay empleyado ng national airline ng NoKor na Air Koryo habang ang isa ay second secretary ng North Korean Embassy sa Malaysia.
By Jelbert Perdez