Tumulak ang Malaysian team sa Reunion Island sa Africa upang kumpirmahin ang sinasabing debris ng Malaysian Airlines flight MH370 na nag-crash sa Indian Ocean noong nakaraang taon.
Ayon sa isang air transport police sa French Indian Ocean, mukhang plane debris ang kanilang nakuha ngunit kailangan pa itong inspeksyuning mabuti.
Matatandaang walang anumang trace ang nakuha sa nawalang Boeing 777 sa kabila ng search effort na ginawa ng iba’t ibang mga bansa.
Kasamang naglaho ng eroplano ang 239 na mga passenger at crew nito na patungo sana sa Beijing, China.
By Rianne Briones