Nananatili pa rin sa main battle area sa Marawi City ang isang Malaysian terrorist leader.
Ito ang ipibatid ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año sa isang pulong balitaan sa Marawi City ngayong araw.
Ayon kay Año, bagama’t naroon pa ang dayuhang terorista, sinabi nito na tuluyan na nilang napilayan ang puwersa ng mga kalaban.
I believe andito pa ‘yun, dito sa loob pa rin ng MBA (main battle area).
Lahat ng nag-attempt na lumabas doon [sa lake] basta armado na Maute na-neutralized natin even reinforcement na-prevent natin.
We believe it’s still there, it’s really him noh? Sa loob ng main battle area.
Kasunod nito, sinabi ni Año na ililibing pa rin ang dalawang lider ng terorista batay sa tradisyon ng relihiyong Islam.
The bodies now are in the headquarters or command post of Task Force, pinuntahan ko and binyu [view] ko, later on we can release the video para makita ninyo and they will be buried according to Muslim rites but we will not disclose the place because we don’t want this to be a place for martyrdom or this will be use by their sympathizers and supporters to advance their interest.