Gumawa ng makasaysayang panalo ang Philippine Women’s Football Team nang talunin ang Australia sa score na 1-0 sa unang laban nito sa AFF Women’s Championship.
Nanguna sa panalo ng Malditas si Sarina Bolden na kumamada ng isang goal mula sa pasa ni Eva madarang sa sagupaang ginanap sa Rizal Memorial Stadium, sa Maynila.
May tsansa pa sana na maka-goal ulit ang Malditas sa 77th minute pero nadepensahan ito ng Australian Matildas.
Susunod na kakalabanin ng Philipine Team ang Singapore sa Rizal Memorial habang ang Under 23 Australians ay haharapin ang Thailand sa Cavite.