Handa ang presidential daughters na sina Malia at Sasha Obama na umalis ng White House.
Ayon ito kina outgoing US President Barack Obama at maybahay na si Michelle na kapwa nagsabi ring “looking forward” na ang kanilang mga anak sa buhay na hindi masyadong mabusisi o tinututukan ng mundo.
Inamin naman ng mag-asawang Obama na nakikita nilang hindi pa handang lumisan ng White House ang kanilang mga anak bagamat iniisip ng mga itong sadyang handa na talaga silang bumalik sa normal na buhay.
Sinabi ng Obama couple na naging sentimental na sa kanila ang White House kung saan nila naranasan ang anila’y amazing experiences at ang buong staff ay itinuturing na rin nilang pamilya.
Ang panganay na anak ng mga Obama na si Malia ay 18 years old na at 15 years old naman si Sasha.
By Judith Larino