Posibleng magkaruon ng magandang pasko ngayong taon ang mga Pilipino.
Binigyang diin ito ni Dr. Guido David, Fellow ng OCTA Research dahil hindi lamang liwanag ang nakikita nila sa sitwasyon ng COVID-19 kundi end game na.
Sinabi ni David na ang 7 day average sa NCR ay maaari pang mabawasan ng mas mababa pa sa isanlibo kada araw bago mag Nobyembre.
Posible aniyang bumaba pa sa 600 cases kada araw ang average number ng COVID-19 cases kaya’t sa Nobyembre ay posibleng maging low risk na rin ang NCR na nagtatagumpay kontra Delta variant.