Sinisi ni dating World Welterweight Champion Andre Berto si Floyd Mayweather Jr. dahil sa maliit na kita sa pay-per-view ng kanilang laban noong Setyembre 12.
Sinasabing pumapalo lamang mula 400,000 dollars hanggang 550,000 dollars ang pay-per-view buys ng bakbakan nina Mayweather at Berto.
Giit ni Berto, nakasama sa imahe ni Mayweather ang isiniwalat ni Manny Pacquiao na gumamit ito ng PED o Performance Enhancing Drug sa kanilang laban noong Mayo.
Matatandaang bumasag ng maraming record ang laban nina Pacquiao at Mayweather matapos itong magtala ng 4.4 million buys.
By: Jelbert Perdez