Lumiliit na ang tsansa na magkaroon ng sapat na supply ng COVID-19 vaccine para sa mga mahirap na bansa.
Aminado ang UN – World Health Organization na numinipis na ang stock ng bakuna sa COVAX facility nila sa US dahil sa pagbabawas ng supply ng mga bansang contributor.
Sa halip na makapagdeliver ng 1.9 bilyon doses ng bakuna ngayong taon, maaari umanong hanggang 1.4 bilyon lamang taliwas sa rekomendasyon ng mga health expert na kailangan ang 11 billion dose upang makontrol ang pandemya.
Sa ngayon, nasa 254 milyon dose pa lang ang nadedeliver ng COVAX facility kumpara sa plano nitong 785 milyon doses.
Ilan pa sa mga dahilan ang paghakot ng mayayamang bansa ng mahigit 80% ng suplay ng bakuna at pinaghahati-hatian na lang ng mga mahihirap na bansa ang natitira.
Isa rin umanong dahilan ang pagpigil ng Indian government sa pagluluwas ng kanilang bakuna tulad ng Astrazeneca o COVID shield na gawa ng Serum Institute of India at pamimigay ng booster shot sa mga mayamang bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico