Aminado ang DOE o Department of Energy na hindi nila kontrolado ang presyuhan ng langis sa lokal na pamilihan.
Ito’y ayon sa DOE ay bukod sa umiiral na oil deregulation law, malikot din anila ang presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa monitoring ng DWIZ, mula sa limang sunod na linggong oil price hike, aabot na sa tatlong Piso ang average price ng gasolina habang 1.75 sentimos naman sa diesel.
Sa kabuuan, aabot na sa apat na Piso ang itinaas ng presyo sa gasolina at diesel mula nuong Enero hanggang sa kasalukuyan.