Tapos na ang maliligayang araw ng mga smuggler sa Pilipinas.
Ito ang mensaheng nais iparating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kautusan nitong wasakin sa pamamagitan ng ‘bulldozer’ ang mga smuggled na luxury car.
Pangungunahan mismo ng Pangulo ang pagwasak sa mga puslit na mamahaling sasakyan sa Port Area, Maynila sa darating na Martes, Pebrero 6.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay lamang ito na hindi kinukunsinti ng Pangulo ang mga ganitong smuggling na aktibidad.
Samantala, ibinasura naman ng Palasyo ang panukalang gawin na lamang service vehicle ng pamahalaan ang naturang mga sasakyan sa halip na sirain.