Hindi na kailangang magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa taxation o pagbubuwis ng mga maliliit na online sellers.
Ito ang nilinaw ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, matapos na magpalabas ng memorandum ng BIR na nag-aatas sa lahat ng mga negosyong gumagamit ng digital o electronic platform na magparehistro at ideklara ang mga dating transaksyon.
Ayon kay Lopez, exempted o hindi saklaw sa kautusan ng BIR ang mga maliliit na online sellers o yung mga kumikita lamang ng P250,000 pababa kada taon.
Gayunman iginiit ni Lopez na mahalaga pa rin ang hakbang para sa proteksyon ng mga mamimili at matiyak na mati-trace ang lahat ng mga binibili online.
Kasabay nito, pinapayuhan ni Lopez ang mga consumers na bumili ng mga produkto sa mga malalaking online platforms na mayroong rating system at inoobliga ang mga mamimili na magrehistro.