Pinayuhan ngayon ng Philippine Coast Guard ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa eastern at north eastern seaboards ng Luzon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, mapanganib ang paglalayag dahil sa aabot sa 5 metro ang taas ng alon sa dagat dulot ng bagyong Marilyn.
Para maiwasan ang anumang sakuna, binalaan din ng Coast Guard ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot.
Bagamat wala pang direktang epekto sa karagatan ang bagyo, tiniyak naman ng Coast Guard na kanilang ipagbabawal ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa oras na magtaas ng storm signal sa bansa.
By Ralph Obina | Aya Yupangco (Patrol 5)