Hinimok ng Malakaniyang ang kongreso na bumalangkas ng batas na may kinalaman sa national quarantine law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas maganda kung mayroong malinaw na batas kung saan nakasaad ang parusang maaaring ipataw sa mga lumalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol
Ani Roque, may ganito nang batas na umiiral sa ibang bansa kung saan nagtakda ng mabigat na parusa sa mga lumalabag.
Maaari aniyang patawan ng reckless imprudence ang mga violators ngunit mas mabuti pa rin umanong may nakasasakop na batas upang magkaroon ng matibay na batayan ang parusang ipapataw sa mga pasaway.