Hirap ngayon ang Municipal Health Officers ng Dinagat island sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga residente nito.
Wala kasing malinaw na schedule kung kailan dadating ang suplay ng bakuna sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Jillian Lee, kahit may dumarating na bakuna ay hindi naman consistent ang pagdating ng mga ito.
Sinabi pa ni Lee na hindi gaanong natututukan ang kalagayan ng mga probinsya kumpara sa ibang mga lugar.
Mayroon aniyang tatlong District hospitals sa lalawigan ngunit dahil kulang ito sa tao at equipment ay nagsisilbi lamang ang mga ito bilang infirmary.
Sa ngayon ay nasa 1,374 total confirmed cases sa lalawigan na May 22 active cases.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico