Inihayag ng isang mambabatas na naghihintay pa rin siya ng malinaw na mga plano at polisiya ng Department of Education (DepEd) para sa aniya’y ligtas na muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa.
Ayon kay ACT Teachers party-list Representative France Castro na ang kasalukuyang hakbang ng ahensya ay puro lamang mga adjustment sa school calendar.
Giit ni Castro, hindi naman tinutugunan ang mga ito ang problemang dala ng distance learning.
Bukod pa rito, tila tikom din ang ahensya sa usapin ng overtime work ng mga guro dahil sa pinahabang school year.
Sa huli, tanong ni Castro kung ano nga ba ang mangyayari sa proportional vacation pay ng mga guro sa pinaikling bakasyon oras na mapagbigyan ang panukalang pagbubukas ng klase sa ika-23 ng Agosto.