Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-imbestiga sa mga kaso ng maling pagpasok sa mga death certificate ng biktima ng drug war.
Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kasunod ng desisyon ng Court of Appeals kamakailan, na nag-uutos sa Local Civil Registry (LCR) ng Caloocan City na itama ang sanhi ng kamatayan sa death certificate ni Lenin Baylon, nueve anyos na namatay dahil sa ligaw na bala sa isang drug war police operation noong December 2016.
Nakasaad sa death certificate ni Baylon ang “bronchopneumonia” bilang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Malayo ito sa apela na nakita sa sapat na ebidensya, kabilang ang isang deklarasyon mula sa medico-legal, na ang bata ay namatay dahil sa insidente ng pamamaril.
Sa ngayon, paliwanag ni Remulla na ang kasong ito at iba pang drug war cases, ay maaaring pagkakataon ng “falsification,” na tinitingnan na ng NBI.