Pinuna ni Senador Francis Tolentino ang maling implementing rules and regulations (IRR)’s na ginagawa ng ilang ahensya.
Ani Tolentino, nawawala ang tunay na layon ng ilang batas dahil sa mabilisan pero walang kalidad na ginagawang IRR.
Paliwanag ni Tolentino, hindi pupwedeng mangibabaw ang IRR sa mismong batas dahil ilan sa mga ito ang hindi tumatalima o kung minsa’y nagiging kontra ito sa tunay na layunin ng batas.
Kung kaya’t giit ni Tolentino, hindi napapakinabangan ng taong bayan ang ilang mga batas dahil sa pagkakaiba ng ilang mga irr nito.
Kasunod nito, mungkahi ni Tolentino, na sana’y malimitahan ang partipasyon ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbuo ng IRR nag hindi malalabag ang pagkakaruon ng kanya-kanyang kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan.
Gayundin ang pagsama sa mga mambabatas na nagsulong ng batas sa pagbalangkas ng IRR para masigurong hindi ma-lihis ang gagawing IRR.