Ikinabahala ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga report hinggil sa maling pagtatapon ng medical wastes.
Kasunod na rin ito nang pagdiriwang ng World Environment Day nitong nakalipas na Hunyo 5.
Ayon sa Pangulo dapat balutin ng mabuti ang mga medical waste tulad ng mga facemask, syringe at karayom bago itapon sa basurahan para hindi maging delikado sa kalusugan ng lahat.
Ibinahagi rin ng Pangulo ang nasabi sa kanya noong siya ang Davao City Mayor na ibaon sa lupa ang medical wastes na aniya’y maling hakbang para itapon ang mga ito.