Kailangang matigil na ang maling pang-unawa ng publiko sa terminong “oplan tokhang” na bahagi ng kampaniya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Iyan ang inihayag sa dwiz ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Catalino Cuy nang talakayin sa naging pagpupulong nila kay Vice President Leni Robredo bilang Co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) nuong Biyernes.
Ayon kay Cuy, bagama’t mas nakikita aniya ng publiko ang maaksyong tagpo sa tuwing nagkakasa ng operasyon ang mga awtoridad, may mga ginagawa na rin silang hakbang nuon pa hinggil sa rehabilitation efforts.