Maaaring lumapit sa korte ang mga indibidwal o grupo na hindi wastong matatatakan bilang terorista sa ilalim ng bagong Anti-Terrorism Law.
Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, wala siyang nakikitang problema, anuman ang political color ng isang tao kung hindi pasok sa kahulugan ng terorismo ang naging akto nito.
Sinabi ni Sugay, sakaling basta-basta, walang kabuluhan at hindi wastong matatakan bilang terorista ang isang tao, maaari nitong ipatama ang akusasyon sa korte.
Maaari rin aniyang ipatanggal sa listahan ng Anti-Terrorism Council ang pangalan ng mga indibidwal na nagkamaling matukoy bilang terorista.