Tiniyak ng Malacañang na magiging malinis at mapayapa ang darating na eleksyon sa susunod na taon.
Reaksyon ito ng Palasyo sa naging alegasyon ni Vice President Jejomar Binay na pangungunahan nito ang isang People’s Power kapag napatunayang dinaya siya ni LP standard bearer Mar Roxas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang mangyayaring eleksyon sa susunod na taon ang itinuturing na referendum ng Pangulo kung saan, magpapasya ang kaniyang mga boss sa Daang Matuwid.
Naninindigan ang pamahalaan sa malinis na track record at walang bahid ng pandaraya dahil kumpiyansa sila sa tiwalang ibinibigay sa kanila ng mga mamamayan.
By Jaymark Dagala