Ikinatuwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) pagbaba ng antas ng polusyon sa hangin partikular na sa Metro Manila sa pagpasok ng bagong taong 2021.
Ito’y kasunod na rin ng kakaunting gumamit ng paputok na dinagdagan pa ng ipinatupad na firecracker ban ng iba’t-ibang mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay DENR Usec. Jonas Leones, nakapag-ambag din ng malaki ang pag-iral ng COVID-19 pandemic gayundin ang pagbuhos ng mahinang pag-ulan noong bagong taon kaya’t nakamit ang malinis na hangin sa pagpapalit ng taon.
Sa ngayon talagang bumaba, nakuha namin yung average natin, yung average compare doon sa 2020 na 113 ngayon 87 lang microwatts per cubic meter so, yung mga nakaraan talagang nagso-shoot up malaki may mga humahabol pa kaming mga 400, 500, dahil nga walang prohibition na paggamit ng firecrackers. Pero sa ngayon dahil sa kautusan ng ating Pangulo at saka sa sitwasyon natin, talagang medyo napansin mo na umulan pa nung kasagsagan ng bagong taon so, talagang together nagkaroon ng improvement doon sa ating kalidad ng hangin,” ani Leones.
Binigyang diin pa ni Usec. Leones na ang kahalagahan ng pakikiisa ng publiko na umiwas sa paggamit ng mga paputok dahil sa maraming benepisyong naidudulot nito sa kalusugan ng tao gayundin sa kalikasan.
Ngayon nakikita na natin na tayo rin ang nagbenepisyo, gumanda yung kalidad ng hangin ngayong bagong taon hindi gaya noong mga nakaraang taon na talagang paggising mo sa umaga ang tingin mo ay haze puro usok ang sasalubong sayo na we just hope in the next years to come dapat mapanatili natin yung pagbaba at maka-identify tayo ng mga alternatibong mga paraan para salubungin yung mga susunod na mga bagong taon,” ani Leones.