Umapela ang mga otoridad at mga environmentalist group sa mga deboto ng poong Itim na Nazareno na iwasang magkalat sa mga lugar na pagdarausan ng taslacion maging sa dadaanan ng prusisyon.
Ito’y upang mapanatiling malinis, maayos at sagrado ang itinuturing na banal na okasyon na ito para sa mga Romano Katoliko sa Pilipinas.
Maliban sa pagkakalat ng basura, umapela din si Zero Waste Campaigner Daniel Alejandre sa mga deboto at iba pang mga nagnanais sumaksi sa traslacion na iwasan din ang paninigarilyo, pag-ihi at pagdura kung saan-saan sa kasagsagan ng okasyon.
Karamihan aniya sa mga deboto ay nakayapak kaya’t tiyak na lantad ang mga ito sa anumang uri ng sakit kung sakaling makatapak sila ng mga kontaminadong bagay.
Magugunitang pitongpung (70) toneladang basura ang iniwan ng mga deboto sa traslacion at nahakot ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) mula umaga ng Enero 9 hanggang Enero 10 ng nakalipas na taon.