Tiniyak ni Senador Francis Escudero ang isang malinis na kampanya sa panig nila ni Senador Grace Poe.
Ayon kay Escudero, nagawa na nila ito ni Poe noong sabay silang mangampanya noong 2013 national elections.
Kasabay nito, sinabi ni Escudero na kahit marami siyang kalaban sa Vice Presidential race, hindi nyia mapigilang maging proud na marami sa mga pagpipiliang Bise Presidente ay mga Bicolano.
“Ang tingin ko sa darating na halalan na ito kasama na po yung aking mga nagdaang karanasan sa halalan, tingin ko ay magiging maayos at hindi pala-away na kampanya sa eleksyon, ang nais nga po namin ay isang malinis na halalan at kampanya na nakatutok lamang sa plataporma de gobyerno at programa sa ating bansa.” Pahayag ni Escudero.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit