Lubos na nangangailangan ngayon ang mga residente sa Cebu City matapos manalasa ang bagyong Odette sa kanilang lugar.
Ayon sa mga residente, isa sa matinding pangangailangan ng bawat isa sa kanila ay ang pagkain at malinis na maiinom.
Ang ilan sa kanila ay nagtyatyaga nalang pumila ng mahigit apat na oras sa kabila ng mainit na sikat ng araw para lang makakuha ng malinis na tubig.
Dahil dito, nangako si Cebu City Mayor Michael Rama, na kanilang tutugunan ang problema sa tubig ng mga residente sa kanilang lugar kung saan, naglaan na ang city government ng 1 billion pesos para sa rehabilitasyon ng lungsod. —sa panulat ni Angelica Doctolero