Tila desidido ang Aquino administration na durugin si dating Pangulong Gloria Arroyo.
Reaksyon ito ni Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ni Ginang Arroyo sa panibagong kaso ng malversation at plunder na isinampa laban sa dating pangulo at ngayo’y nasa preliminary investigation na ng Office of the Ombudsman.
Ang panibagong reklamo laban kay Ginang Arroyo ay may kaugnayan sa di umano’y maling paggamit sa confidential intelligence fund ng PCSO na nagkakahalaga ng P57 milyong piso mula 2004 hanggang 2007.
Kumbinsido si Atty. Lambino na may kaugnayan ang bagong kaso sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na palalayain niya si Ginang Arroyo sa sandaling maupo siya sa puwesto.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ni dating Pangulong GMA
Samantala, pinayagan ng Sandiganbayan 4th Division si dating Pangulong Gloria Arroyo na makapaghain ng demurrer of evidence o mosyon na maipabasura ang mga ebidensya laban sa kanya.
Kaugnay ito sa kanyang kinakaharap na kasong graft dahil sa NBN – ZTE deal.
Dahil dito, mayroong 10 araw ang kampo ni Arroyo na maisumite ang kanyang mosyon.
By Len Aguirre | Karambola | Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)