Asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa bahagi ng Luzon kasama na diyan ang Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon.
Makakaranas ng mainit na panahon sa tanghali at may mga tiyansa ng pag-ulan pagsapit ng hating gabi ang bahagi ng Luzon dala pa rin ng easterlies at localized thunderstorm.
Wala namang nakikitang malawakang mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas kaya’t asahan pa rin na magiging mainit ang panahon pagsapit ng hapon hanggang gabi.
Dahil pa rin sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ), magiging maulap pa rin ang ating umaga sa buong bahagi ng bansa partikular na sa Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 hanggang 35 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:29 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:15 ng hapon.